Monday, November 20, 2006
what MU m eans?
The "parang kayo, pero hindi" stage. Others call it MU or mutual understanding. Pseudo-relationships. Pseudo-boyfriends.Pseudo-girlfriend s, Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers. Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-on. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi. This kind of "relationship" can happen at different stages for different reasons. It can happen after a break-up. You still love each other, and you want to be with each other but you broke up for a reason. And for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan. It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang. Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo --usually the guy --may ka-relasyon na. Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa, pwede ring vice-versa), wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangagaliwa kasi "hindi naman kayo." This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng "kalaro." Pero huwag ka lang mag-e-expect na may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan. So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong set up ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan? Iba't ibang dahilan. Puwedeng for fun lang. Puwedeng "buti na iyan kesa wala" or puwede na iyang "pantawid-gutom." Meaning, habang wala pa yong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian. For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all. It would be fun, if all you are after for is that "kilig" feeling. No commitments involved. For the simplest reason that they couldn't commit, because they were either committed to someone else, or that they weren't ready to commit. My rationalization, "okay na iyun, kesa wala." Ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw ko. Iyong merong ka-cuddle sa beach outing. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. Iyong merong laging kasama,o kausap. Habang wala pa ang the real thing, tapos minsan k chat mo,puwede na itong pagtiyagaan. But then I learned that although it was only a pseudo-relationship, the emotions were real. Una, you can't ask to commit. Since it's not really a relationship, you can't demand commitment from your partner. Ano ba kayo? May K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his/her life. You can't expect him/her to be always there with you. And if you feel jealous of the other girls/guys, you just have to keep it to yourself. Ano ka ba niya para magselos? Pangalawa, what if you fall deeply in love with him/her? You can't be sure if he/she feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. Even if you are dying to tell you love him/her, you can't. Because you're not sure if she'll like it. Baka mapahiya ka lang. This stage will always make you wonder where you are in the relationship. Or if there is a relationship at all. Pangatlo, what if you become attached too much? What if you have invested all your emotions and this man/woman hasn't? What if you remain faithful to him/her, not entertaining other guys/girls, only to find out that he/she is seeing other guys/girls? Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. When a disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be the end of it. Unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang pinanghahawakan. Kasi sa pseudo-relationship, there is no "us." Meron lang "you and me," hindi "us." Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo-relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin yun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy/girl is in another pseudo-relationship with somebody else. Ang hirap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you'd end up hurting yourself in the process.Pero puwede naman maiwasan ang pain eh. Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences. But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. Or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing. Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo. Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang "parang kayo pero hindi" stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang doon lang siya ... almost, but not quite.
Sunday, November 19, 2006
oh..candy panghimagas..
hindi maitatwa na ang kendi ay naging malaking parte ng kabataan natin.mga makukulay,mababango(although mnsan may maantot),at masasarap na kending lalung nagpasaya saten at mnsang nagpaiyak din dahil sa sakit ng ipen na dulot nito.balikan natin ang mga kending namayagpag at pumukaw sa mga puso at tastebuds nmin nung panahon ko.KENDI MINT - eto ang kending kanunu-nunuan pa ng dynamite.ang official na kendi ng mga taong may tinatagong puot sa knilang kaloob looban.mint candy sya(malamang?!) na may lamang chocolate o kokwang mamasa masa sa pinakagitna.kulay green ang wrapper nya na may nakaimprentang eskimo na nakangite at parang gustong magpasubo na.LIPPS - ang kendi ng mga batang malalande,mapa nene man yan o tukling.cherry flavor na kendi na gawa sa benadryl(ayun sa pakilasa ko yan ha,mapait kase) at sandamakmak na pulang food coloring.sobrang makulay sa bibig,kadalasang ginagawang panghalili sa lipstik ng mga bata o di kaya dugo effect sa larung aswang aswangan.payak lang ang wrapper,kulay puti at pula tapos nakalagay ?lipps?.VIVA! - ang kendi na ayaw na ayaw ni mother lily.caramel candy sya na mukang tae at mukang hindi masarap bilhin lalu na ang kainin.kulay tae din ang wrapper nya at mas mamatamisin mo pa cgurong ikendi ang naptalina kesa sa kending toh.WHITE RABBIT - ang bi-sexual na kendi.dalawa kase ang klase ng kending white rabbit,may tinatawag na local at imported.parang vivang pinahaba lang ung local version,toffeecaramel ang flavor at bukod dun eh wala ng ibang misteryong mahihita pa sa knya.kulay puti at super milking nougat naman ung imported.at bukod dun sa chinese character na nakaimprenta sa wrapper nya eto ang pinaka pambato ng white rabbit imported,ang kanyang inner wrapper na pwedeng kainin at pagsaluhan ng buong pamilya.happy fiesta!PINYA - hindi ko alam kung anu ba tlaga ang lehitimong tawag sa kendi na toh,pero dahil hndi tayu masyado sure ay itago na lang natin sya sa pngalang ?pinya?.sya ang kending pinakafashionista ang wrapper dahil figuratively muka syang pinya.bagsak lang sya sa itsura ng wrapper dahil mukang tapeteng mura lang per yarda ang itsura nito.at ang lasa?..pinya..malamang.VICK'S - ang kendi ng mga batang may kakambal o ng mga batang sadyang madamot lang tlga at pinalaking dupang?vick?s candy.mentholated ang vicks at dalawang piraso sya ng kendi sa isang maliit na pack na hugis inverted triangle(kumporme sa paghawak mo).kulay hinog na uhog at pinaniniwalaan ng mga bata na nakakapagpaluwag ng paghinga.hndi ko alam kung associated tlga ang nakagisnan naming vicks candy sa vicks na pamahid sa sinisipon.BUTTER BALL - ang kendi na mga batang may malalaking bibig.ito ang peter?s butterball,ang pinakamasarap sa lahat ng caramel candies.bilog syang candy na mejo may kalakihan ang hulma kung sa bata ipapasubo.sosyal ang wrapper dahil ito ata ang pinakaunang kendi na nasa pillow pack at kulay peach pa.bsta masarap,husto na yun.ORANGE SWITS - ang ina ng mga gummi bears at potchi.malalambot na orange slices na pinatihaya,pinadapa at pinagulong gulong sa asukal hanggang sa magtanda.apat na slices per pack at mas madalas na makitang binebenta ngyun ng mga takatak boys kesa sa sari sari stores.TOOTSIE ROLL - isa sa pinakasikat ng kendi nung panahon ko,sa sobrang kasikatan eh nagkaron pa ng dance craze na tribute sa knya nung early 90s.caramel candy din ang tootsie roll na kasing haba ng mongol na makatatlong beses ng tinasahan.bukod sa pwede syang kainin at sayawin ay pwede din syang itapal sa ngipen para magmukang bungal at yun ang pinakamasayang purpose ng tootsie roll.ALMO - ang pinagmulan ng mga ovalteenies.chocolate candies sya na mukang mga tabletang panlunas sa sipon at lagnat.nakalagay sa makulay at maliit na foil pack at kadalasang nakasabit sa tindahan dahil dugsong dugsong sya.masarap ang almo lalu na kung hindi mo sariling pera ang pinambili.HAW FLAKES - ang buhay na patunay na hindi sa ikatlong baitang sa elementarya unang nagaganap ang pangungumunyon ng mga bata.ito ang haw flakes,ang kending galing pa ng tsina at naging saksi sa barter trade system.mas kilala sa tawag na ?oscha? dahil sa kakatwang itsura nito.maninipis at kulay maroon na amoy pawisang singit ng bata(maasim),nevertheless may basbas at sagrado.dito nagsisimula ang damdaming makadiyos at madasalin kaya ibahin nyo ang haw flakes.ang kending galing sa langitKENDING HUBO - also known as neto,nyan o dutdut motion.pabili nga po neto,pabili po nyan,o di kaya dutdut na lang dun sa garapon.ganyan ang kending hubo.ang kending walang sapat na pagkakakilanlan at impormasyon sa sarili.muka syang holen na iba iba ang kulay at flavor(kadalasan citrus/fruity).may budbud syang asukal sa paligid at kadalasang nakalagay sa malaking garapon ng lady?s choice.LALA - ang pinakamasarap ng tsokolate sa mundo ng pagkabata.mas kilala sa tawag na ?milo?,ang lala ay gawa sa purong kokwa(cge magmarunong tayu sa ingredients) na hinulma into small rectangular chocolate bars na may nakaemboss na parang rehas ng veranda.sobrang masarap at sobrang tindi din kung magpasakit ng ngipin,nevertheless masarap.un naman ang importante eh.CHOC-NUT - ang hall of famer sa lahat!sya ang pinakasikat na kendi(o kung anumang twag sa klase nya) sa balat ng pilipinas.gawa sa natuyong peanut butter at chocolate na hanggang ngayun ay hndi ko makapa ang lasa na binalot sa palara.all time favorite ng panghimagas o pampalipas oras.chocnut is simply the best(naks! parang HBO)?
pirated....
wui............... pano ba to? ganito ba d2? teka my tao b d2... hay nako! wala p lang tao d2.. makaalis n nga d2...!
Subscribe to:
Posts (Atom)
